Isang Pinay at Morrocan, naharang sa NAIA dahil sa paggamit ng mga pekeng dokumento

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang 41-anyos na Filipina na pinaniniwalaang biktima ng mail-order-bride scheme.

Naharang din ang 52-year-old na Moroccan na nag-escort sa Pinay.

Ang Pinay ay patungo sana ng Morocco at magta- transit ito sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) kasama ang sinasabing mister nitong Moroccan.

Nagpakita pa ng marriage certificate ang dalawa pero nang busisiin ito ng Immigration officer, lumalabas na peke ang kanilang mga dokumento.

Ang Pinay at ang kasama nitong dayuhan ay nasa pangangalaga na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).

Facebook Comments