Isang Pinay nawawala sa Bali, Indonesia

Nagpasaklolo na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa local authorities sa Indonesia upang mahanap ang isang Pinay.

Nabatid na nagtungo sa Bali, Indonesia si Ella Balmaceda Paaño, 25-anyos at isang resort worker sa Coron, Palawan noong December 22, 2018 pero hindi pa rin ito bumabalik sa Pilipinas.

Nakatakda sanang umuwi si Balmaceda noong December 28, 2018 pero hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin nakakauwi si Ella at nananatiling unattended ang kanyang cellphone.


Noong December 24, 2018 din ang huling Facebook post ni Ella.

Sinabi naman ni Ambassador to Indonesia Leehiong Wee na nagtungo sa embahada ang kapatid nito mula Camarines Sur upang hingin ang kanilang tulong.

Maaari namang tumawag o mag-text sa mga numerong +639081427763 o +639125788021 sa may impormasyon sa kinaroroonan ni Ella Balmaceda Paaño.

Facebook Comments