Isang Pinay, nawawala sa pagguho ng gusali sa Florida

Isang Pinay ang pinaniniwalaang nadamay sa pagguho ng isang condo building sa Surfside, Florida noong nakaraang linggo.

Patuloy na hinahanap si Maricoy Obias-Bonnefoy at mister nitong si Claudio Bonnefoy na nakatira sa Unit 1001 sa ika-sampung palapag ng Champlain Towers South.

Sa Twitter post, humingi ng tulong ang pamangkin ng mag-asawa na si Jonathan Sanchez habang humingi ng panalangin sa Facebook ang pinsan ng Pinay na si Ajit Jimenez.


Umabot na sa 11 ang nasawi sa pagguho ng gusali habang mahigit 150 pa ang nawawala.

Facebook Comments