Isang Pinay senior citizen, nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Florida matapos mabagsakan ng puno

Isang Filipina senior citizen ang kabilang sa mga nasawi sa pananalasa ng Hurricane Milton sa Tampa, Florida.

Kinilala ang 73-year-old na Pinay na si Luisa Santos, operator ng Oakland Manor Assisted Living, isang pasilidad na nangangalaga sa senior citizens.

Nabatid na si Santos ay nagpuputol ng mga sanga ng bumagsak na puno nang siya ay mabagsakan ng mismong katawaan nito na siyang ikinamatay ng biktima.


Ito ay dahil sa pagnanais sana nitong gawing malinis agad ang paligid para na rin sa seguridad ng 28 senior citizens na kanilang inaalagaan.

Nasawi mismo ang Pinay sa mismong kaarawan nito.

Nagpaabot na rin ng tulong sa pamilya Santos ang Philippine Embassy sa Washington, DC.

Nabatid na halos 20 ang namatay sa pananalasa ng Hurricane Milton sa Florida.

Facebook Comments