
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may isang Pilipino na isinugod sa ospital sa Sri Lanka matapos maapektuhan ng masamang panahon doon.
Ayon sa DFA, inaalalayan na rin ng Honorary Consulate General ang naturang Pinay OFW.
Tiniyak din ng DFA na patuloy na mino-monitor ng Konsulado ng Pilipinas ang sitwasyon ng mga Pinoy sa Sri Lanka sa harap ng matinding pag-ulan at landslides.
Patuloy din na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa mga otoridad sa Sri Lanka para makapagpaabot ng tulong sa iba pang mga Pilipinong naapektuhan ng kalamidad.
Nanawagan rin ang embahada sa mga Pinoy sa Sri Lanka na nangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan sa kanila.
Facebook Comments









