Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Macau SAR na isang Filipino repatriate ang namatay habang sakay ng special charter flight ng Philippine Airlines.
Ayon sa Konsulada ng Pilipinas, may unang medical condition ang Pinoy pero naideklara naman anila itong medically fit to travel.
30 minuto pa lamang anila matapos mag-take off ang eroplano sa Macau nang humingi ng saklolo ang Pinoy repatriate.
Agad naman siyang tinulungan ng cabin crew at ng dalawa pang pasahero hanggang sa makalapag ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Tiniyak naman ng Philippine Consulate na tutulungan nito ang pamilya ng Pinoy.
Facebook Comments