Nasungkit ng top Filipino jin na si Ernesto “Bhuboy” Guzman, Jr., 40 anyos ang gintong medalya sa kakatapos lang na 2022 World Poomsae Taekwondo Championships na ginanap sa South Korea noong April 21 hanggang 24, 2022.
Ang nakuhang gold medal ni Guzman ay ang ika-anim na medalya niya bilang world champion sa larangan ng taekwondo.
Nakipaglaban si Guzman sa mahigit 64 na bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo kabilang ang Japan, Singapore, USA, Vietnam, USA at iba pa.
Kabilang din sa mga nakasungkit ng medalya sa nasabing kompetisyon ay sina:
• Kobe Macario at Juvenile Crisostomo, silver medalist sa Freestyle Pair Over 17
• Ian Corton at Nicole labayne, silver medalist sa Pair Under 17
• Rodolfo Reyes, Jr., bronze medalist sa Male Under 30; at
• Darius Venerable, bronze medalist sa Freestyle Male Over 17
Matatandaan, unang lumahok sa 2022 World Online Poomsae competition si Guzman kung saan nasungkit niya ang silver medal.
Facebook Comments