Isang Pinoy singer, pasok sa top 13 ng the voice – U.S.

Nakapasok ang Filipino Singer na si Jej Vinson sa top 13 ng singing competition na The Voice U.S..

Sa resulta ng botohan, tanging 12 contestants lang ang napili mula sa 24.

Iniligtas naman ni Coach Kelly Clarkson ang pinoy singer kaya magpapatuloy pa siya para makuha ang kampyonato.


Tubong Davao si Vinson at nagtungo sa estados unidos noong 15 taon gulang pa lang siya.

Facebook Comments