Isang Pintor sa City of Ilagan, Isabela, Nagbigti!

*Ilagan City, Isabela- *Patay ang isang lalaki matapos magbigti sa loob ng kanyang bahay bandang alas otso kagabi sa Brgy. Osmeña, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Romeo Corpuz, 32 anyos, isang pintor at residente ng Purok 6, Brgy Osmeña, City of Ilagan, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, nakipag-inuman pa ang biktima sa kanyang mga kasama bago ang kanyang pagpapakamatay.


Nakita na lamang ng kapatid ng biktima na si Fernando Ocde ang nakasabit na katawan sa dingding at wala nang buhay ng biktima.

Ayon pa sa report ng PNP Ilagan City, gumamit ng Electrical cord sa pagbibigti si Romeo Corpuz.

Napag-alaman din ng PNP na iniwan umano ng ka live-in partner at ng kanilang anak ang biktima at nakakaranas rin umano ito ng problema sa kanyang pamilya.

Facebook Comments