Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng Navotas ang isang “pisonet” sa B. Cruz Street, Barangay Tangos North.
Sa isinagawang inspeksyon ng mga kawani ng Business Permits and Licensing Office, nakita na maraming kabataan ang naglalaro ng online games sa pisonet na malinaw na paglabag sa community quarantine.
Bukod sa pagpapasara sa pisonet ay binigyan din ng violation ticket ang mga magulang dahil sa hindi pagsunod sa stay-at-home policy sa kanilang mga anak.
Batay sa ordinansa ng lungsod ay nasa ilalim ng 24-hour curfew ang lahat ng mga batang wala pang 18 taong gulang.
Ang mga magulang naman ng mga batang naglalaro sa pisonet ay pinagmulta ng ₱1,000 hanggang ₱4,000.
Facebook Comments