Isang plastic bag lamang ang nakita ng isang american diver nang mag-dive ito sa pinakamalalim na parte ng mundo, ang Mariana Trench.
Sinuyod ni Victor Vescovo, isang american sea explorer, ang 10,927 metrong lalim ng Mariana Trench na matatagpuan sa Pacific Ocean. Parte ito ng mission niya na sumisid sa ‘world’s deepest underwater places’.
Tinatayang 11 na kilometro o pitong milya ang lalim upang maabot ang ocean floor at nasungkit din niya ang record na ‘deepest solo dive in history’ ayon sa kaniyang team.
Natalo niya ang record ng Titanic ni Director James Cameron noong 2012.
Facebook Comments