Naniniwala si Prof. Ramon Casiple, isang political analyst na malaking adjustment ang gagawin ng administrasyong Duterte matapos tanggapin ni Vice President Leni Robredo ang pagiging co-Chairman ng ICAD o Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs.
Ayon kay Casiple sa naging pahayag nito sa Balitaan sa Maynila, maraming dapat gawin ang kasalukuyang administrasyon lalo na’t huli nilang nakasama sa gabinete si VP Leni noong December 2016.
Hindi na rin niya ipinagtaka kung bakit tinanggap ni VP Leni ang posisyon dahil alam niya na para ito sa bayan.
Sinabi pa ni Casiple na naging seryoso ang magkabilang panig mula nang tutukan ng taumbayan ang naging alok ng Pangulong Rodrigo Duterte kay VP Leni kung saan ilan sa mga tagasuporta ng pangalawang pangulo ay nagduda sa naturang posisyon.
Matatandaan na unang sinabi ng mga kaalyado ni VP Leni na political trap lamang ang pagiging drug czar nito pero mariin itong itinanggi ng administrasyon.
Umaasa naman si Casiple na hindi mauuwi sa pamumulitika ang nasabing usapin dahil seryosong isyu ang pagsugpo ng iligal na droga sa bansa.