Isang poll watchdog, naghain ng reklamo laban sa mga opisyal ng Comelec

Naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman ang grupong Mata sa Balota laban sa mga opisyal ng Comelec at Smartmatic.

Dahil ito sa umano’y iregularidad at aberya na nangyari nitong May 13 elections.

Kabilang sa inireklamo ng serious dishonesty at gross neglect of duty ng grupo sina Comelec Executive Director Jose Marundan Tolentino, Deputy Dir. Teopisto Elnas Jr., Comelec Spokesperson James Arthur Jimenez, dating Comelec Chairman Andres Bautista at ang pamunuan ng Smartmatic Total Information Management.


Iginiit ng mga complainant na sina Manuel Galvez, Diego Magpantay, na umabot sa 20 bilyong piso ang ibinayad ng pamahalaan sa Smartmatic mula noong 2013, 2016 at 2019 elections nang walang public bidding.

Maliban rito, tinawag rin ng grupo na pinakamalala sa kasaysayan ng eleksyon sa Pilipinas ang katatapos lang ng halalan dahil sa kaliwa’t kanang aberya.

Facebook Comments