Dalawang oras pa lang ang nakakalipas nang magsimula ang halalan sa isang polling precinct sa Tubaran, Lanao Del Sur.
Ito ang kinumpirma ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM) Police Regional Brig. Gen. Arthur Cabalona dahil sa naantala ang delivery ng election paraphernalia at nagkaroon ng ilang protesta pero naayos naman agad.
Nilinaw naman ni Lt. Gen. Valeriano de Leon, Director ng Directorate for Operations na batay sa kanilang pakikipag- ugnayan sa COMELEC maaring bomoto ng lampas sa alas- syete ng gabi- ang deadline ng botohan- ang mga taga- Tubaran, Lanao del Sur na naghihintay 30 meters away mula sa polling center.
Ang Tubaran, Lanao del Sur ay unang idineklarang under Comelec control
Samantala, sinabi pa ni Cabalona tanging sa buong Cotabato lamang nagsisilbing Board of Election I Inspectors ang mga pulis matapos na umayaw ang mga guro dahil sa takot sa kanilang seguridad.
Sa Maguindanao naman ayon kay Cabalona bagama’t may mga naitalang gulo ay hindi humiling ang mga guro na palitan sila ng pulis para magsilbing BEI.