ISANG POULTRY FARM SA UMINGAN, IPINASARA

Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng bayan ang operasyon ng isang poultry farm sa bayan ng Umingan nang masilip na wala itong mga permit.
Ang naturang farm sa barangay Fulgosino, ay wala umanong permit sa pagtatayo ng gusali, kalinisan, at negosyo.
Lumitaw din na kulang ang nga lambat na magsisilbi sanang harang sa paligid ng pasilidad.
Humigit-kumulang 100,000 manok ang tinanggal doon.
Pinaigting din ang pagpapatupad ng mga ordinansa kaugnay sa pagpapatakbo ng mga poultry at piggery upang masiguro umano ang kalusugan ng mamamayan maging ng proteksyon sa kapaligiran, at patas na kompetisyon sa mga nagnenegosyo sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments