Isang powerhouse command group, binuo ng PDEA upang tapusin ang deadline sa paglinis ng illegal drugs sa ilalim ng Duterte administration

Sa nalalabing sampung buwan ng Duterte administration, bumuo ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng isang powerhouse command para linisin ang mga barangay na nanatiling nasa impluwensya ng illegal drugs.

Target ng PDEA tapusin ang drug problem sa June 2022.

Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, pamumunuan ito ng bagong talagang Assistant Secretary Diosdado Carreon na ngayon ay Deputy Director General for Administration at si Assistant Secretary Gregorio Pimentel, ang Deputy Director General for Operations.


Si Villanueva ay ultimate expert at utak ng Barangay Drug Clearing Program (BDCP) bago ito ginamit na regulasyon ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Makakatulong naman ang strategic military experience at intelligence ni Asec. Carreon sa pagtapos ng misyon kontra droga.

Si Pimentel naman ay retired Police Major General na eksperto sa police operations at intelligence.

Noong nakalipas na July 31, 2021, mayroong 22,585 na mga drug-cleared barangays habang nasa 12,731 ang natitirang barangay na dapat pang linisin.

Facebook Comments