Isang presidential aspirant sa Eleksyon 2022, gumagamit umano ng cocaine ayon kay Pangulong Duterte

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang presidential aspirant sa Eleksyon 2022 ang wala umanong nagawa sa bayan at gumagamit pa ng cocaine.

Sa kaniyang talumpati sa pulong ng national and regional task force to end local communist armed conflict sa Mindoro, sinabi pa ni Duterte na ginagamit lang ng naturang kandidato ang pangalan ng ama.

“I will not make it clear now, there has been a presidential candidate na nag-cocaine. Kaya ako nagtaka ako, anong nagawa ng — anong nagawa ‘yung tao na ‘yun? I’m just asking. Ano, anong, anong — what contribution has he made pala sa Pilipinas? Iyan lang, gusto ko lang tanungin ang ano. Hindi naman sa pang… Ano? Bakit ang Pilipino parang lokong-loko na supporting…? Magtanong lang ako sa inyo. Ano ang ginawa niyan? Nagdodroga ‘yan ng — cocaine ang tirada niya. hindi ako nag-iintriga. Bahala kayo. Find out sino.” ani ni Pangulong Duterte.


Kasabay nito, ibinabala pa ni Pangulong Duterte ang pagsuporta sa kandidatong ito na maituturing na “very weak leader”.

“Bahala kayo kung anong gusto ninyo na tao. Inyo ‘yan. Ang akin lang, pagdating ng panahon, basta sinabi ko sa inyo. And he is a very weak leader ang character niya, except for the name. Pero ang tatay, pero siya, anong ginawa niya? He might win hands down, okay. If that is what the Filipino wants, go ahead. Basta alam ninyo ‘yang droga na ‘yan… Pero ‘pag ako ang umabot diyan sa iyo, pasensiya tayo.” dagdag pa ni Pangulong Duterte.

Sa naturang event din ay nagpahayag ng suporta si Duterte sa kaniyang longtime aide na si Presidential Aspirant Sen. Christopher Bong” Go.

Ang iba pang aspiranteng tatakbo sa pagkapangulo ay sina Vice President Leni Robredo, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao, Manila Mayor Isko Moreno, dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., labor leader Leody De Guzman, at Army General Antonio Parlade Jr.

Facebook Comments