Isang preso kada araw, namamatay sa loob ng Bilibid

Mahigpit na tinututukan ng pamahalaan ang kalusugan ng mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDL).

Sa 3rd Asian Conference and Pacific Conference on Prison Health, tatalakayin dito ng mga ahensya ng gobyerno ang mga kongkretong paraan para matugunan ang mga problema sa kulungan sa bansa.

Ayon kay Henry Fabro, Hepe ng New Bilibid Prison Hospital, isa kada araw ang namamatay sa national Penitentiary dahil sa kakulangan ng Doktor at Medical Facilities.


Mga sakit na kadalasang nakukuha ng mga Inmate ay Communicable Diseases o yung mga sakit na mabilis na maipasa gaya ng Tuberculosis.

Dahil siksikan ang mga preso sa loob ng mga detention facility, ito na rin minsan ang dahilan ng pagkamatay ng mga Inmate.

Sinabi naman ni Bureau of Corrections (BuCor) Director Gerald Bantag, bukas sa plano ni Sen. Leila De Lima na imbestigahan ang pagkamatay ng 29 na preso sa loob ng kulungan.

Sa tala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), aabot sa higit 300 hanggang 800 Inmates ang namamatay sa kanilang pasilidad kada taon dahil sa Jail Congestion.

Facebook Comments