Isang Professor, Tinawag na “Tuta” si Energy Secretary Alfonso Cusi

Cauayan City, Isabela-Tinawag na sunod-sunuran ni Professor Butch Valdez ng ‘Save the Nation Movement’ si Energy Secretary Alfonso Cusi ng mga oligarchy gaya nina Ramon Ang, Henry Sy, Ayala, Pangilinan at Aboitiz.

Ito ay dahil sa umano’y walang humpay na pag-aaral sa inaasahang pagbubukas sana ng Bataan Nuclear Power Plant na magsasalba sa kakulangan ng suplay ng kuryente makaraang itayo ito noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Prof. Cusi, nalulungkot umano siya na parang ang kapakanan ng taumbayan ay sadyang napakalayo sa kasalukuyang Administrasyong Duterte.


Aniya, kung napaandar lang sana ang nuclear power plant ay maaaring nasa 10% lang sa kabuuang konsumo ng electric bill ang babayaran ng isang household pero hindi umano mangyari dahil sa mga oligarko na nasa likod nito.

Ipinunto rin ni Valdez na magkakuntsaba umano ang mga nasa gobyerno at oligarko kung kaya’t hindi maibaba ang sana’y magpapababa sa singil ng kuryente.

Samantala, laking gulat umano nito ang ginawang pagbatikos ni Senador Manny Pacquiao kay DOE Sec. Cusi dahil tiyak na sa kapakanan ng taumbayan ang ginawa ng senador.

Facebook Comments