Cauayan City – Humakot ng medalya ang Philippine Canoe Kayak Dragon Boat National Team na kinabibilangan ng isang proud Cauayeño sa 2024 ICF Dragon Boat World Championship.
Ang patimpalak na ito ay inorganisa ng International Canoe Federation/Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation na ginanap sa Puerto Princesa, Palawan noong ika-28 ng Oktubre hanggang kahapoan, ika-4 ng Nobyembre.
Kabilang sa koponan ng Philippine National Team ang isang tubong Cauayeño na si Kenneth Palattao, 25-anyos, mula sa Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela.
Mula sa 27 deligado mula sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo, itinanghal bilang Overall Champion ang Philippine Team matapos makakuha ng kabuuang 11 golds, 20 silver, at 8 bronze medals.
Hindi ito ang unang beses na sumabak ang Proud Cauayeño na si Kenneth Palattao dahil sumabak na rin ito sa Dragon Boat Competition sa iba’t-ibang bansa katulad ng bansang South Korea.