Isang pulis arestado sa Caloocan matapos mangotong sa PNP applicant para makapasa sa recruitment process

39

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Integrity Monitoring and Enforcement Group sa kanilang ikinasang entrapment operation ang isang pulis dahil sa robbery extortion sa Brgy. 175 Camarin, Caloocan.

Kinilala itong si Police Staff Seargent Joel Bunagan, 37-anyos, residente ng North Fairview, Quezon City.


Sa ulat ng PNP- IMEG, hinuli si Bunagan kaninang alas-3:00 ng hapon matapos ireklamo ng isang aplikante sa pagkapulis dahil nanghihingi ng malaking halaga para matulungan siyang makapasa sa PNP recruitment process.

Sa entrapment operation, nakuha sa pulis ang boodle money na halagang P73,000.00, P3,000 cash, cellphone, at motorisklo.

Sa ngayon, nasa kustosdiya na siya ng PNP -IMEG na mahaharap na kasong kriminal at administratibo.

Facebook Comments