Isang pulis, naaktuhang pumapasada ng colorum na van sa Parañaque City

  Manila, Philippines – Inireklamong enforcer ang isang pulis na ruma-raket ng pagpasada ng colorum na van sa ParañaqueCity.
 
Ayon kay Atty. Aileen Lizada,board member ng LTFRB, sinita ng isa nilang tauhan si PO2 Jun Antieta bilangparte ng kanilang anti-colorum drive pero hinarurot lang nito ang van.
 
Bukod rito, kinumpirmarin ng mga pasahero na nagbayad sila ng pamasahe sa driver ng van.
 
Kinumpirma naman ng NationalCapital Region Police Office na nakatalaga sa regional personal holding unit ng PNP si Antieta.
 
Sinabi naman ni PNPChief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa, ilegal at paglabag sa batas ang ginawa ni Antietakaya kailangan nitong managot.
 
Gayunman, naiintindihananiya niya ang ginawa ni Antieta.
 
Dagdag naman ng LTFRB,ipinarating na nila ang reklamo sa DILG at nais nilang isuko ni Antieta ang vannito.
 
Maliban rito,pinasasampahan rin nila ng kasong administratibo ang pulis sa PNP.
 
 

Facebook Comments