Isang pulis, nasawi dahil sa COVID-19; mga pulis naman na positibo sa COVID-19, nadagdagan ng 55

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na namatay dahil sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 15.

Sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Public Information Office, isang 52-anyos na lalaking pulis na nakatalaga sa PNP BARRM ang namatay kahapon, August 20, 2020 matapos na magkasakit ng COVID-19.

Kaugnay nito, nadagdagan din ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19 na ngayon ay umaabot na sa 3,153 na pulis.


Sa ulat din ng PNP Public Information Office, kahapon ay may panibagong 55 na mga pulis ang infected ng COVID-19

27 sa mga bagong nagpositibo ay nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), lima sa Police Regional Office (PRO) 6, siyam sa National Operation Support unit, tatlo sa National Headquarters at PNP CALABARZON, dalawa sa PRO-7, PRO-COR at PRO-BAR.

Habang tig-isa sa National Administrative Support unit at PRO 8.

Pero magandang balita dahil sa bilang ng mga nagpositibo, 2,283 na ang gumaling habang inoobserbahan pa ang 751 na pulis na ikinokonsiderang mga probable case at 2,546 na pulis ang suspect case ng COVID-19.

Facebook Comments