Patay ang isang PO1Christopher Anadon habang sugatan pa ang 11 myembro ng Cotabato Police Provincial Mobile Force matapos tambangan sa Purok Kabisig Barangay Poblacion Magpet pasado alas sais kagabi
Sa panayam ngayong umaga kay Magpet Chief of Police CINS Rolando Dillera, convoy ang Toyota Hilux at Mahindra Police Car na lulan ng 20 pulis mula sa pagpapatrolya sa Magpet pabalik ng North Cotabato PNP Headquarters sa amas Kidapawan.
Pagsapit sa bahagi ng Brgy. Poblacion ay bigla na lamang pinasabugan ng 2 landmine at pinaulanan pa ng bala ng mga hinihinalang mga elemento ng New Peoples Army.
Di na naisalaba sa ospital ang driver ng Hilux Police Vehicle na si PO1 Anadon habang wounded ang mga kasama nitong sina Po1 Stephenson Parreno, Po1 Mark Vincent Capilitan na kasalukuyang nasa ospital pa rin ngayon habang nakalabas na rin ng pagamutan sina Spo1 Micahel Escano, ,PO2 Marinerl Pastores, PO1 Eliezer Langcuban, PO1 Darrell Ferolino, PO1 Phil Jan Ray Canarejo, PO1 Franz Deo Lechago , PO2 Dennis Durado, Spo1 Wilfred Perocho at PO1 Francis Siniel.
Patuloy na nakaalerto sa buong bayan ng Magpet ang mga otoridad bunsod sa banta ng NPA.
Matatandaang noong nakaraang araw ay nagka engkwentro din ang mga kasundaluhan ng 19th IB kontra NPA. Sinasabing 1 NPA ang nasawi habang 2 sundalo ang wounded.
PIC: W. M
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Isang pulis patay 11 sugatan sa pananambang ng NPA sa Magpet
Facebook Comments