Isang pulis pinagbabaril sa EDSA Connecticut, patay!

Patay ang isang Police Officer na nakatalaga sa  National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos na pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa may bahagi ng EDSA Connecticut San Juan City.

 

Kinilala ni P/ Col. Florendo Quibuyen, deputy director for administration of the Eastern Police District (EPD) ang nasawing pulis na si  Police Senior Master Sergeant Solomon Cugay, na agad na nasawi matapos na magtamo ng ilang tama ng bala ng baril sa kanyang katawan

 

Ayon kay  Quibuyen, sakay ng kanyang   Yamaha scooter sa may  southbound lane ng  EDSA nang biglang lapitan ng nakamotorsiklong suspek at pagbabarilin mga dakong alas 3:30 ng hapon kanina.


 

Nakuha sa crime scene ang syam na empty shells mula  sa  caliber .45 pistol.

 

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa krimen habaggn nagdulot naman ito ng pagsikip ng daloy ng mga sasakyan sa south bound lane ng EDSA

Facebook Comments