Isang pulis sa Maynila, patay matapos magbaril sa sarili

Isang pulis-Maynila ang patay makaraang magbaril sa sarili sa loob ng kanilang comfort room (c.r.) sa Tondo, Manila.

Nakilala ang nasawi na si Police Staff Seargent Reagan Arellano, 41-anyos, may-asawa, nakadestino sa Manila Police District (MPD) headquarters at residente ng Barangay 85 sa Tondo.

Kwento ng pinsan ng biktima na si Stephanie Enriquez, nakita pa niyang inaayos ng pulis ang inflatable swimming pool sa ika-apat na palapag ng bahay at ilang sandali ay nakarinig na siya ng putok ng baril sa rooftop.


Dito na niya nakita ang duguang katawan ng biktima sa loob ng c.r. kaya’t agad siyang humingi ng tulong.

Dead on the spot si Arellano na may tama ng baril sa kaliwang dibdib.

Sinasabing depresyon ang dahilan ng pagpapakamatay kung saan ginamit nito ang 9mm na baril habang patuloy pa din iniimbestigahan ng mga otoridad ang iba pang dahilan ng biktima sa pagpapakamatay.

Facebook Comments