Isinara ng Department of Migrant Workers (DMW), ang isang vocational institution sa Quezon City dahil sa iligal na recruitment.
Ang ipinasara ay ang Match Trend Training Assessment Center na matatagpuan sa 145 Biak na Bato St., Quezon City.
Nagulat pa ang mga naabutang aplikante nang matuklasang iligal ang kanilang inaaplayan.
Kasunod na rin ito ng mga sumbong ng ilang aplikante na hiningan sila ng ₱30,000 training fee na may initial payment ng ₱6,000 para sa enrollment. Inire-refer pa umano sa mga lending institution ang mga aplikante sakaling walang pambayad.
Maliban pa ito sa mahigit ₱80,000 na processing fee sakaling mayroon na silang employment sa ibang bansa gaya ng Taiwan.
Facebook Comments