ISANG RESIDENTE NG BAYAN NG BUGALLON, PANGASINAN, WAGI SA GRAND LOTTO 6/55 JACKPOT NG PCSO

Isang solo bettor mula sa Bugallon, Pangasinan ang nakakuha ng Grand Lotto 6/55 jackpot ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) draw nito lamang Miyerkules, ika-5 ng Hulyo.
Base anunsyo ng PCSO, binili ng masuwerteng nanalo ang tiket sa nasabing lugar, gamit ang winning digit combination na 05-01-27-26-44-11.
Dito kanyang napanalunan ang kabuuang P58,983,172.20 na Grand Lotto 6/55 jackpot.
Ipinaalala naman ng PCSO na lumampas sa P10,000 ang jackpot prize at sasailalim ito sa 20 percent tax deduction sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.

Binanggit din nito na kung ang premyo ay mananatiling hindi na-claim sa loob ng isang taon, ito ay mawawala or forfeited sa PCSO Charity Fund alinsunod sa Republic Act 1169 o ang PCSO Charter.
Ang nanalong tubong bayan ng Bugallon ang ika- 50th jackpot winner ngayong 2023 at pangatlo nanalo naman ngayong buwan ng Hulyo.

Samantala, hindi isasapubliko ng PCSO ang pagkakakilanlan ng bettor na ito upang mapangalagaan ang kanyang seguridad. |ifmnews

Facebook Comments