Isang retiradong pulis, patay nang pagbabarilin sa Pasay City

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin sa tapat ng kanilang bahay sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si SPO2 Patrick Palisoc habang sugatan naman ang isang ginang at 16-anyos na anak nito.

Nakuna pa ng CCTV ang insidente kung saan dalawang suspek ang siyang bumaril sa biktima pero nakatakbo pa ito sa kataing bahay subalit sinundan pa din ng mga gunman saka tinadtad ng bala.


Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo na minamaneho ng kanilang kasabwat.

Palaisipan pa din sa pamilya at imbestigador ang motibo sa pamamaril lalo na’t matagal nang wala sa serbisyo ang biktima.

Facebook Comments