Isang Retiradong Sundalo, Huli sa kasong Rape!

178

Gamu, Isabela – Arestado ang isang retiradong sundalo na may kinakaharap na kasong panggagahasa matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas singko ng hapon sa Brgy. Guibang, Gamu, Isabela.

Kinilala ang nahuli na si Filimon “Felimon” Parung Carig Jr, 57 anyos, may asawa, isang retiradong sundalo at residente ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Gamu sa pangunguna ni PSI Rey Canapi si Carig matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si Hukom Andrew U. Barcena, ng RTC Branch 17, Hall of Justice, City of Ilagan, Isabela dahil sa kasong Rape na may kaugnayan sa RA 7610.

Nasa himpilan na ng PNP Gamu ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Samantala, pansamantalang makakalaya si Carig kung makakapaglagak ng kanyang piyansang dalawang daang libong piso (P200,000.00)

Facebook Comments