Isang roro vessel, tumagilid sa Romblon

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na isang roro vessel ang tumagilid at sumadsad sa karagatan na malapit sa Brgy. Nasunugan, Banton, Romblon.

Ang nasabing roro vessel na MV Maria Helena ay may sakay na 50 pasahero, 32 miyembro ng crew kabilang ang kapitan at 16 rolling cargo.

Ayon sa kapitan ng roro vessel na si Captain Elmo Sumocol, sumabog ang isang gulong ng rolling cargo kaya’t naputol ang tali nito.


Dahil dito, nawalan ng balanse ang barko kaya tumagilid at bahagyang lumubog.

Nailigtas naman ang lahat ng mga pasahero at crew kung saan dinala sila sa covered court ng Barangay Nasunugan para masuri ang kanilang kondisyon at maibigay ang kaukulang tulong.

Wala naman butas o sira ang barko kaya’t patuloy na nakatutok dito ang ilang tauhan ng Philippine Coast Guard.

Facebook Comments