Isang Sales Representative sa Tumauini, Isabela, Patay Matapos Tumbukin ng Motorsiklo!

211

*Tumauini, Isabela-* Dead on Arrival (DOA) sa pagamutan ang isang ginang matapos salpukin ng motorirsiklo sa pambansang lansangan ng brgy Lanna, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Gina Fuggaban, 33 anyos, isang sales representative at residente ng brgy. Santa, Tumauini, Isabela habang ang suspek at driver ng motorsiklo ay si Gherome Vidad, 20 anyos, binata, aircon technician at residente ng brgy Bannagao, Aurora, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, binabaybay ng suspek ang nasabing lansangan nang bigla nitong mabangga ang biktima na nasa shoulder lane ng nasabing daan.

Nagtamo ng malalalim na sugat sa katawan ang biktima na agad namang isinugod ng mga brgy Officials sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklara rin itong dead on arrival.

Dinala na sa PNP Tumauini ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda naman ng PNP ang kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide laban kay Gherome Vidad.

Facebook Comments