ISANG SAN CARLENIAN, NASUNGKIT ANG TITULONG MR. NORTHERN PHILIPPINES AMBASSADOR 2025

Muli na namang napatunayan ng isang kabataang Pangasinense ang galing, talino, at talento ng mga taga-San Carlos City sa larangan ng international pageantry.

 

Si Kenneth Bryle Paningbatan, 18 taong gulang at tubong Barangay Abanon, San Carlos City, ay kinoronahan bilang Mr. Northern Philippines Ambassador 2025 sa katatapos lamang na kompetisyon. Siya ang pinakabatang kalahok sa patimpalak at napiling maging kinatawan ng Pilipinas sa Mr. Northern Ambassador 2025 na gaganapin sa Agosto 2026 sa Malaysia.

 

Ayon kay Paningbatan, bagama’t mahaba pa ang panahon bago ang nasabing internasyonal na kompetisyon, masigasig na siyang naghahanda sa iba’t ibang aspeto tulad ng communication skills training, personality development, at pagpapanatili ng isang healthy lifestyle—lahat ng ito ay upang maging karapat-dapat na kinatawan ng bansa sa pandaigdigang entablado.

 

Sa isang mensahe para sa mga kabataang nagnanais pasukin ang mundo ng pageantry, kanyang ibinahagi:“Huwag matakot sumubok. Abutin ang pangarap nang may puso at determinasyon.”

 

Tunay ngang isang inspirasyon si Paningbatan—patunay sa husay at talento ng mga kabataang Pangasinense sa larangang ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments