Isang sangay ng Petron, hindi pa nagpatupad ng taas-singil

Makati City – Hindi pa ipinatutupad ang ikalawang bugso ng excise tax sa isang sangay ng petron sa EDSA-Danlig sa Makati City.

Yan ay sa kabila ng maagang pagpapatupad ng dagdag singil sa buwis sa produktong petrolyo ng ilang sangay na nabanggit na gasolinahan sa gitnang luzon ayon sa Department of Energy (DOE).

Ayon sa gasoline boy, hindi pa raw kasi nauubos ang kanilang stocks para sa 2018 kaya hindi pa rin gumagalaw ang presyo ng kanilang gasolina at diesel.


Naglalaro ngayon ang presyo ng diesel dito mula 36 pesos 55 centavos hanggang 38 pesos 55 centavos habang ang gasolina naman ay nasa 44.45 to 46.45 pesos.

Ayon kay Department of Energy spokesperson Undersecretary Wimpy Funtebella, anim na retailers ng Petron ang nagpatupad agad ng karagdagang excise tax sa unang linggo pa lamang ng Enero na dapat ay sa ikalawang linggo pa ng Enero o hanggang maubos ang stock ng produktong petrolyo para sa 2018.

Kahapon ay pinadalhan na ng DOE ng show cause order ang mga branch ng nabanggit na gasoline station upang pagpaliwanangin at bibigyan ang mga ito ng limang araw para patunayang naubos na ang kanilang stock ng produktong petrolyo.

Facebook Comments