Isang sasakyan wasak, matapos salpukin ng tren ng PNR

Manila, Philippines – Wasak ang huling pintuan sa kaliwang bahagi ng isang blackish red na Toyota vios na may plakang VX 7189 matapos salpukin ng tren ng PNR sa P, Margal St at Algeciras St., Sampaloc Maynila.

Ayon sa driver na si Jaylive Carcosia, nagtuloy-tuloy siya sa pagtawid sa riles dahil hindi nakababa ang boom stick o pangharang sa mga sasakyan at may blind curve dahil sa nakaparadang delivery truck .

Ayon kay Carcosia, hindi pa man siya nakakalampas sa riles, binangga siya at nakaladkad ng tren ilang metro.


Ma-suwerte naman na hindi siya nagtamo ng anumang sugat.

Idinagdag ng driver na tumatanggi ang pamunuan ng PNR na panagutan ang aksidente dahil may sariling linya .

Kinumpiska pa ng mga tauhan ng PNR ang lisensya ni Carcosia.

Facebook Comments