Isang sawa na lumabas sa lungga, natagpuan ng mga residente sa Commonwealth, QC

Isang reticulated phyton o malayophyton reticulatus na tinatayang nasa tatlongmetro ang haba ang nahuli ng mga residente sa isang creek sa Nokia Street, Doña Nicacia sa Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Ang nabanggit na sawa ay kinuha na ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Enforcement Team ng Metropolitan Environmental Office.

Ayon sa DENR, ang reticulated python ay isa sa pinakamalaking uri ng ahas sa mundo na maaaring umabot ng higit sa anim na metro ang haba at karaniwang kumakain ng mga ibang uri ng hayop tulad ng mga ibon at mamalya.


Hindi pa malaman kung ang init ng panahon ang isa sa maaring dahilan kung bakit lumabas sa lungga ang nasabing sawa.

Facebook Comments