ISANG SCOPS OWL, NATAGPUAN AT DINALA SA MENRO SA BAYAMBANG

Para sa atin ang makakita ng mga kakaibang bagay, tao o hayop ay sadyang kamangha-mangha pero naisip ba natin kung bakit?
Tila palaisipan ito na muling meron scops owl na namataan, isang uri ng kuwago ang dinala sa opisina ng MENRO sa DENR Dagupan, nito lamang August 9, 2023.
Buti na lang mababait ang mga nakakita sa naturang kuwago at hindi nagdalawang isip na iturn over ito nila idol Jowena dela Cruz Bautista at idol Kenjieryn U. Granada mula sa Brgy. Inirangan. Bayambang. Kwento nila ay tila mahuhulog ang naturang ibon mula sa puno ng mangga kaya agad nilang nilapitan ito.

Nakatakdang dalhin ng DENR-Dagupan ang nahuling kuwago sa Wildlife Rescue Center sa Mangatarem, Pangasinan upang dito mabigyan ng kanyang agarang pangangailangan.
Ito ang pang walong kuwago na naiulat ng MENRO at sila’y boluntaryong isinusurender ng mga residente simula taong 2022. |ifmnews
Facebook Comments