Sa susunod na tatlo hanggang apat na taon 75,000 mga Filipino seafarers ang iha-hire nang isang seafaring industry executive sa Amerika.
Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., matapos makipag pulong kay John Padget, president at CEO ng Carnival Corporation sa Washington D.C.
Si Padget na sya ring kumakatawan sa Carnival Cruise Line, Hollan American Airlines at Seaborn, pinupuri ang mga Filipino Workers dahil sa pagiging hospitable at competitive sa global workforce,
Sa isang pagpupulong, iprinesenta ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople kay Pangulong Marcos Jr., ang mga US firms na naghire ng 200,000 Filipinos batay na rin sa patas at ethical standards principles.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos Jr. sa mga US employers, dahil sa patuloy na tiwala sa mga Filipino professionals at skilled workers.
Sa ngayon mayroong mahigit apat na milyong filipino immigrants, mga temporary o permanent residents sa United States ay nagrerepresenta nang pang-apat na malaking immigrant group kasunod ang Mexicans, Indians at Chinese.
Sa pamamagitan ng remittances, ang mga Filipino worker na ito ay nakakatulong sa economic developmment ng Estados Unidos at Pilipinas dahil sa kanilang skills, talents at expertise.
Kasama ni Pangulong Marcos Jr. sa pakikipagpulong sa mga employers sina Secretary Ople, Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Trade Secretary Alfredo Pascual, Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, at Department of National Defense Officer-in-Charge, Senior Undersecretary Carlito Galvez, Jr.