Umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang sektor ng agrikultura na magpalabas na ng executive order na mag-sususpinde sa excise tax sa petroleum products sa loob ng isang taon.
Ayon kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So, dahil suspendido ang Kongreso at nananatiling nasa state of emergency ang bansa sa COVID-19 pandemic maaring magpalabas ng kautusan ang pangulo gaya ng ginawa nito noong nakaraang taon na nag-issue ng dalawang EOs.
Ito’y para mabawasan ang import taxes sa chilled at fresh pork meat at itaas ang minimum access sa volume ng pork imports para matugunan ang kakulangan sa suplay at pagtaas sa presyo ng karne.
Naniniwala si So, na ang pagsuspinde sa excise tax ay isang win-win solution para sa agricultural producers, transport groups at sa mga consumers dahil tiyak na bababa ang pump prices ng P6.00 hanggang P10.00 kada litro.
Matatandaan na nakaranas ang bansa ng ika-siyam na sunod-sunod na linggo na taas presyo ng mga produktong petrolyo.