Isang senador, dismayado matapos hindi sertipikahang urgent ng Malacañang ang ‘Bayanihan to Recover as One’ Act

Nagpahayag ng pagkadismaya si Senator Nancy Binay matapos hindi sertipikahan ng Malacañang bilang urgent ang panukalang ‘Bayanihan to Recover As One’ Act o ang Bayanihan 2.

Ayon sa Senador, hindi dapat hinahayaang magkaroon ng gap sa pagbibigay ng suporta sa mga apektado ng krisis dulot ng COVID-19 partikular ang mga nawalan ng hanapbuhay.

Ipinunto pa ng Senador ang pagtaas ng unemployment rate sa bansa sa 17.7 percent o katumbas ng halos 7.3 milyong Pilipino.


Sa pamamagitan aniya ng Bayanihan 2 ay makapaglalaan ng ₱140 bilyong pondo ang pamahalaan para sa pagtugon at pagbangon ng bansa.

Matatandaang hinintay ng Senado ang sertipikasyon ng Palasyo sa panukala pero walang dumating bago pa man matapos ang kanilang sesyon noong nakaraang huwebes.

Facebook Comments