Para kay Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchlian, hindi sapat ang pagbabantay ng pamahalaan sa operasyon at pangangasiwa ng National Grid Corporation Of The Philippines o NGCP.
Ito ay ang nag-iisang transmission lines na nagpapadaloy ng kuryente sa buong bansa mula sa mga planta tungo sa distribution utilities.
40 percent ng NGCP ay pag aari ng state grid corporation ng pamahalaan ng China at may report na nagpasok ito ng teknolohiya para makontrol sa pamamagitan lang ng remote control ang transmission lines.
Binanggit ni Gatchalian na may mga report din na naipasok sa NGCP ang mga Chinese engineers at technical experts.
Giit ni Gatchalian, dapat maging alerto at agresibo ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa pagtutok sa NGCP sa harap ng posibilidad na sa isang isang pitik ay maaring mawalan ng kuryente ang buong bnasa.
Kabilang sa mga tinukoy ni Gatchalian ang Department of Energy, Department of National Defense, Department of Science and Technology, National Security Council at ang National Transmission Corporation.