Isinusulong ni Senator Lito Lapid ang paggamit ng simpleng salita sa mga dokumento, anunsyo at abiso ng pamahalaan upang mas madaling maunawaan ng publiko.
Sa Senate Bill 273 ng senador, ay inaatasan ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) na gumamit ng ‘plain language’ o mga simpleng salita sa English, Filipino o anumang dayalekto sa kanilang mga dokumento, advisories, notices, announcements at iba pang mga ipinamamahagi sa publiko.
Dito ay walang salitang teknikal, jargon o salitang balbal o kalye na mababasa.
Ganito rin ang ipinagagawa sa mga application form, tugon sa mga inquiry o request ng mga humihingi ng mga humihingi ng impormasyon at tulong ng gobyerno.
Tinukoy ni Lapid na napakahalaga na lubos na naiintindihan ng lahat ang mga dokumento at sulatin ng gobyerno.
Higit aniyang maeengganyo ang mga kababayan na hindi lamang sumunod sa batas kundi ang makiisa sa mga usaping pambansa at mga pampublikong isyu.