Hindi kumbinsido si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na karapat-dapat pagkaloob ng Senate Medal of Excellence si Rappler CEO Maria Ressa.
Sinabi ito ni Dela Rosa kahit pa si Ressa ang kauna unahang Pilipino na ginawaran ng Nobel Peace Prize.
Kung tutuusin ayon kay Dela Rosa, mali na ang paglaban sa press freedom ang naging basehan ng award ng Nobel Prize kay Ressa.
Giit ni Dela Rosa, hindi naman kailangang ipaglaban ang press freedom sa Pilipinas dahil malaya naman ang pamamahayag sa ating bansa.
Sa katunayan ayon kay Dela Rosa, walang taga-media ang ginipit at ipinakulong ng gobyerno dahil sa pagbabalita.
Ipinaliwanag ni Dela Rosa na ang kasong kinakaharap ni Ressa ay isinampa ng pribadong indibidwal at walang kinalaman ang pamahalaan.
Facebook Comments