Isang senador, kumbinsidong banta sa seguridad ang pag-dagsa ng mga Chinese nat’ls

Manila, Philippines – Kumbinsido si Senator Joel Villanueva sa sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na banta sa ating seguridad ang pag-dagsa ng illegal foreign workers sa bansa na karamihan ay mga Chinese nationals.

Sa katunayan, sinabi ni Villanueva na kapansin-pansin ang napapadalas na pagbabalita sa mga krimen na kinabibilangan ng mga banyaga na nasasangkot sa kidnapping, pagpatay, pagbugbog at ultimo pambabastos sa ating pulis.

Dagdag pa ni Villanueva, ang sentimyento ni Esperon ay kapareho din ng inilahad ng mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na humarap sa pagdinig ng Senado.


Tiwala si Villanueva na ang pahayag ni Esperon ay suportado ng solidong intelligence information.

Umaasa si Villanueva na ang nabanggit na usapin ay matatalakay na mabuti ni Esperon sa mga susunod na pulong ng gabinete.

Facebook Comments