Isang Senador, lumiham sa LTFRB laban sa planong pagbawas sa mga pumapasadang Angkas

Nagpadala ng liham si Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe kay Atty Martin Delgra III na syang chairman ng Land Transportation Franchising Ang Regulatory Board o LTFRB.

Naka atensyon ang sulat kay Retired Major General Antonio Gardiola Jr., chairman ng inter-agency inter-agency technical working group na siyang nagpasya na bawasan ang mga pumapasadang motorcycle taxi ng Angkas.

Laman ng liham ang apela ni Poe na huwag munang ipatupad ang nasabing hakbang ngayong holidays na mataas ang demand para sa alternatibong mass transport tulad ng Angkas.


Ipinaliwanag ni Poe na welcome development ang pag-e-extend ng LTFRB sa pilot testing ng motorcycle taxi at ang pagpasok ng mga bagong players.

Pero punto ni poe, ang mga bagong players na joy ride at move it ay hindi pa siguradong makakasabay sa 99 percent na ligtas na pagpasada ng mga angkas motorcycle taxi.

Nakasaad din sa liham na sa pagbabalik ng session simula January 20 ay prayoridad ng komite ni Poe ang pagsasagawa pag-dinig si Poe ukol sa panukalang legalisasyon ng motorcycle taxi.

Facebook Comments