Malakas ang paniniwala ni Senator Richard Gordon na iikot lang sa kontrobersyal na bentahan ng Good Conduct Time Allowance o GCTA ang ugat ng pagpatay Bureau of Corrections Legal Chief Attorney Frederic Anthony Santos.
Diin ni Gordon, maaring pinatay si Santos para pigilan itong maging state witness sa kasong may kaugnayan sa maanumalyang paggamit sa GCTA para palayain ang mga preso sa New Bilibid Prison.
Sabi ni Gordon, posible din na ang pinaslang si Atty. Santos dahil may mga pangako o deal ito kapalit ng malaking halaga ng salapi na hindi natupad.
Facebook Comments