Huwag maging kampante, manatiling disiplinado, sundin ng mahigpit ang health protocols, makipagptulungan sa gobyerno, magpabakuna at magpaturok ng booster shots laban sa COVID-19.
Ito ang mahigpit na paalala sa mamamayan ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go sa gitna ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Diin ni Go, kailangang magtulungan ang lahat para mapigil ang pagkalat ng COVID-19 upang hindi na kailanganin na itaas muli ang alert level sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.
Ayon kay Go, kapag muling hinigpitan ang COVID restrictions ay marami muli ang mahihirapan dahil mababawasan ang kapasidad ng mga establisimento at negosyo.
Paliwanag ni Go, magbubunga ito ng kabawasan sa kita ng bawat isa at bawas din sa trabaho.