Manila, Philippines – Iginiit ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon sa mga nagkakanlong kay dating Police Colonel Eduardo Acierto na isuko na ito.
Katwiran ni Gordon, ang pagsuko ni Gordon ay daan para mahuli ang mas malalaking personalidad sa likod ng malawakang operasyon ng ilegal na droga sa bansa.
Si Acierto ay may kinakaharap na warrant of arrest dahil sa kaso kaugnay sa paglusot sa Bureau of Customs (BOC) ng bilyun- bilyong pisong halaga ng shabu laman ng magnetic lifters.
Naniniwala si Gordon na may kinalaman ang international drug syndicate sa nabanggit na pagpapalusot ng ilegal na droga sa BOC.
Ipinaliwanag pa ni Gordon na delikado ang hindi pagsuko ni Acierto dahil posibleng gawan ito ng masama ng kanyang mga principal o malalaking tao na kasabwat niya sa ilegal drug operations.