Isang senador, naglatag ng mga pangmatagalang solusyon sa mataas na presyo ng langis

Ayon kay Senator Win Gatchalian, hindi maiaalis na agad nating mararamdaman ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan dahil inaangkat natin ang 99% ng ating langis.

Kaya namang giit ni gatchalian, kailangang gumawa tayo ng mga long term o pangmatagalang solusyon.

Pangunahing mungkahi ni Gatchalian ang paghahanap ng bagong pagkukunan ng oil and gas gayundin ang paggamit ng electric vehicles.


Suhestyon din ni Gatchalian ang paggamit ng renewable energy at paggamit din ng energy efficiency.

Sabi ni Gatchalian, dapat mag handa na rin ang Pilipinas kung sakaling tatagal pa ang giyera sa Ukraine dahil hangga’t may giyera, ay may posibilidad na tataas pa ang presyo ng langis.

Una rito ay inihayag ni Gatchalian na pinaka mahalagang batas ngayon ay ang batas para ma pondohan ang Pantawid Pasada o dagdag ayuda sa mga tao kung sakaling tatagal pa ang pagtaas ng presyo ng langis.

Bukod dito ay pinabibilisan din ni Gatchalian ang pagmamahagi ng Pantawid Pasada sa mga drivers at operators ng pampublikong transportasyon.

Facebook Comments