Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Senator Ping Lacson ang plano ni Vice President Leni Robredo na naglalayong pagbutihin pa ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.
Pahayag ito ni Lacson matapos ang pulong nila ni Robredo.
Una nang nagpasalamat si Lacson dahil tinanggap ni Robredo ang alok niyang ibahagi ang kanyang kaalaman at karanasan sa paglaban sa ilegal drugs bilang dating hepe ng pambansang pulisya.
Para kay Lacson, may workable plan si Robredo na marami na ding nalalaman ukol sa drug problem at puspusang nagbabasa kaugnay sa isyu.
Suportado ni Lacson ang nais ni VP Leni na tutukan ang pagpigil sa suplay ng droga sa halip na ang ipinaprayoridad ay ang pagpapababa ng demand sa droga.
Sang-ayon din si Lacson sa sinabi ni Robredo na husto na ang tatlong taon na ginugol ng gobyerno sa pagtugis sa mga street pusher.